MMDA, tuloy-tuloy ang paghahanda laban sa pinangangambahang ‘Big One’

Patuloy ang pagsasagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga paghahanda para sa psoibleng malakas na lindol o ang tinaguriang “Big One”.

Ang pahayag ni MMDA spokesperson Mel Catarungan ay kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey at Syria noong February 6.

Read More:  BINI named Philippines’ new tourism ambassadors

Ayon kay Catarungan, na ang pagkakatulad ng Turkey at Metro Manila ay madami rin ang mga gusali sa bansa at high density ang populasyon.

Dahil dito, nagbibigay ang MMDA ng mga seminars at lectures kaugnay sa disaster preparedness at nag-oorganisa ng posibleng deployment ng urban search and rescue teams.

Read More:  VP Duterte says officials should stop politics and prioritize peace, order, and development

Dagdag nito, nais din umano ng MMDA ang mahigpit na pagpapatupad ng National Building Code upang maiwasan o mabawasan ang mga gusali na babagsak sa oras na may tumama na malakas na lindol.