Rank no. 6 at rank no.1 MMWP ng Manito, Albay, arestado sa Lucena City, Quezon Province

Sa kulungan ngayon ang bagsak ng isang construction worker na kinukonsiderang Rank No. 6 at Rank No. 1 Municipal Most Wanted Person sa Manito, Albay matapos mahuli ng mga otoridad sa Brgy. Isabang, Lucena City, Quezon Province.

Ayon sa report, pinuntahan ang kinaroroonan ni alyas “Joel”, 29 anyos, residente ng Purok 5, Sitio Parina, Brgy. Balasbas, bayan ng Manito, Albay.

Read More:  4 killed, 17 injured after truck crashes into tree in Southern Leyte

Nang marating ng mga otoridad ang lugar, dito na isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado noong Mayo 24 ng nakaraang taon, dahil sa kasong panggahasa sa menor de edad kung saan walang piyansang ibinigay ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan, habang isa pang kasong sexual assault ang kinakaharap nito na may piyansang inirekomendang aabot sa PHP200,000.

Read More:  Father swept away by floodwaters in Batangas while trying to save wife and son

Ang akusado ay nasa kustodiya na ng himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.