WHO nababahala sa secondary health crisis sa Turkey kasunod ng magnitude 7.8 na lindol

Nagbabala ang World health Organization na maaaring magkaroon ng secondary health crisis sa mga lugar sa Turkey na tinamaan ng magnitude 7.8 na lindol.

Ayon sa WHO, nagkukumahog ngayon ang otoridad para makapagligtas ng mas maraming buhay habang sinisikap na masiguro ang kaligtasan ng mga survivors.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Sinabi ni WHO earthquake response incident manager Robert Holden na maraming survivors ang exposed ngayon sa outdoors at sa lumalalang konisyon tulad ng problema sa suplay ng tubig, fuel, walang kuryente at putol ang linya ng komunikasyon.

Kinumpirma ni Holden na kailangan na dapat magtulungan ang lahat para sa search and rescue upang maiwasan ang posibleng secondary disaster.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Una nang sinabi ni WHO chief Tedros Ghebreyesus na oras ang kalaban ngayon ng mga kinauukulan maliban pa sa matinding lamig ng panahon at mga aftershocks na nararanasan para makapagsalba pa ng mas maraming buhay.