KORONADAL CITY- NASA 171,833 na mga pasyente ang nakinabang sa libreng health services sa lalawigan ng South Cotabato noong nakaraang taon.
Ayon kay Chief of Hospital Dr. Conrado Braña, na 39,112 sa mga ito ay mga admitted patients na naka-avail ng Free Hospitalization program habang 132, 721 naman ang nakabenepisyo sa libreng consulation, emergency services, ophthalmology, minor surgery at dental services.
Ito ay mula sa record ng mga provincial government-managed hospitals, ang South Cotabato Provincial Hospital (SCPH), Norala District Hospital (NDH) at Polomolok Municipal Hospital (PMH) mula Enero hanggang Disyembre 2022.
Samantala, inihayag ni Braña na lumalagpas na sa kanilang authorized bed capacity ang naturang mga pagamutan dahil sa dami ng mga pasyenteng gustong makabenepisyo sa free hospitalization.
Sa provincial hospital, ang occupancy rate nito ay umaabot na sa 172.55% dahil kada araw, nasa 345 patients ang ina-admit dito na mas mataas sa bed capacity nito na 200.
Umaasa naman ang opisyal na makatutulong sa decongestion ng provincial hospital ang ipinatatayong 4-storey hospital building sa Protech Center na magsisilbing annex ng SCPH.
