DMW, magpapadala ng fact-finding team sa Kuwait kasunod ng brutal na pagkamatay ni Jullebee Ranara

Magpapadala ng fact-finding team sa Kuwait ang Department of Migrant Workers o DMW para i- assess ang performace ng Migrant Workers office na dating kilala bilang Philippine Overseas Labor Office kasunod ng brutal na pagkamatay ng OFW na si Jullebee Ranara.

Read More:  QC court rejects Mans Carpio petition to stop VP Sara Duterte impeachment

Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, inatasan niya ang isang Undersecretary na i-organisa ang isang fact-finding mission na pangungunahan ng isang labor attaché na naka-post sa labas ng Kuwait.

Susuriin ng grupo ang parformance ng MWO at pagtugon nito sa mga welfare cases.

Read More:  Ejercito urges PhilHealth to use returned P60 billion for healthcare services

Idinagdag ng opisyal na sa mahigit isang daang libong household service workers sa Kuwait, dapat pataasin ng DMW ang monitoring at response mechanisms ng Migrant Workers office.//CA