21-anyos na wanted sa kasong sexual abuse, arestado sa Batangas

Arestado ang isang 21-anyos na binatang nahaharap sa kasong pangmomolestiya sa isang babaeng biktima sa Brgy. San Rafael, Sto. Tomas City, Batangas.

Kinilala ng Sto. Tomas CPS ang suspek na si Marc Aeron De Castro, residente ng naturang lungsod at itinuturing na Top 8 most wanted ng Batangas PNP, provincial level.

Read More:  FEU Alabang suspends classes, onsite work amid bomb threat

Sa bisa ng warrant of arrest ay naaresto ang binata sa ikinasang operasyon ng mga otoridad noong Huwebes ng hapon, Enero 26, 2023.

Batay sa imbestigasyon, isinumbong ito ng biktima na kanya umanong minolestiya simula noong Agosto 15, 2022.

Read More:  ‘Butlak’ aims to surpass P151-M sales from 2025 Negros Trade Fair

Ilang beses umano itong nangyari at nagdulot ng problemang sikolohikal sa biktima.

Inilabas ng korte ang warrant laban sa suspek dahil sa crime of Sexual Abuse noong November 15, 2022.

Nasa kustodiya na ng naturang himpilan ang naarestong suspek.