Digital payment system, sinimulan ng ipatupad sa pamilihang bayan ng Hermosa

Nagsimula nang magpatupad ng Digital Payment System ang pamilihang bayan ng Hermosa, Bataan.

Ito ay sa pamamagitan ng PalengQrng Maya App kung saan maaari nang magbayad online sa ilang mga stalls sa pamilihang bayan.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Layunin nito na suportahan ang Bangko Sentral ng Pilipinas na magkaroon ng digital payment options para sa mga Pilipino gaya nang pagbili sa palengke at pagbabayad sa mga pampublikong transportasyon.

Samantala, noong nakalipas na Biyernes, January 27 ay nanguna sa paglulunsad ng programa ang Provincial Cooperative and Enterprise Development Office, maya app, lokal na pamahalaan ng Hermosa, Social Security System at Smart Telecommunications, Inc.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

PHOTO: Gov. Joet Garcia