Kuwait, nangako na mabibigyan ng hustisya si Jullebee Ranara

Nangako ang Kuwait na magbibigay ng hustisya sa pamilya ni Jullebee Ranara, isang 35-anyos na overseas Filipino worker na pinatay at natagpuan sa isang disyerto noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Kuwaiti Ambassador to the Philippines Musaed Saleh Althwaikh , ang insidente ay iniimbestigahan na ng Kuwaiti competent authorities at tiniyak ang pagbibigay ng parusa sa natukoy na suspek.

Read More:  Teodoro calls China coast guard collision international law violation

Nagparating rin ng pakikiramay ang Embahada sa pamilyang naulila ni Ranara.

Read More:  LPG prices may still rise despite excise tax suspension

Samantala, sinabi ni Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople na naglabas ng dalawang direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ahensya nang malaman ang pagkamatay ni Ranara.

Sinabi ni Ople na ipinag-utos ng Pangulo na tiyakin rin na makakamit ng pamilya ang hustisya.//CA