BFAR Regional Office, tutulong na palaguin ang salt production sa Zambales

Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na tutulungan ng opisina na paluguin ang kai-isang salt refinery sa lalawigan ng Zambales.

Ito ay matapos na maging malinaw para sa ahensya na ang BFAR pala ang responsable sa pagmomonitor at pagtulong para lumago ang industriya ng pag-aasin sa bansa.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ayon kay BFAR Region 3 Dir.Wilfredo Cruz, mula sa 100-million pesos na inilaan ng gobyerno para sa salt production ng mga piling rehiyon ay kabilan ang Central Luzon sa mga napondohan na nagkakahalaga ng 17-million pesos.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Matatandaan, naglabas ng hinaing ang negosyante ng asin sa Palauig, Zambales at sinabing ilang dekada na ang lumipas pero walang tulong na naibigay ang gobyerno sa mga maliliit na salt producers’ para mapalago ang negosyo.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO