Tatlong lalaki ‘caught in the act’ ng mga Barangay Tanod sa pagnanakaw sa isang sari-sari store

NAAKTUHAN ng mga nagpapatrolyang Barangay Tanod ang tatlong lalaki na ninanakawan ang isang sari-sari store sa Brgy Market Site, Donsol, Sorsogon.

Ayon sa ulat ng Donsol Police, naaktuhan ang tatlo na sinisira ang pinto ng isang sari-sari store na pag-aari ng isang Rose Ann Daco Acabado, 18-anyos, dalaga at naninirahan sa nasabing lugar.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Nang makita ang presensya ng mga Tanod ay biglang nagsipulasan  ng takbo ang mga suspek subalit hinabol sila ng mga Tanod hanggang sa ‘makwelyuhan’ ang mga ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Joseph Bongalonta Quinones Jr., 19-anyos, binata; Jomar Luna Aquino, 22-anyos, binata, construction worker at Ariel Magbanua Lomerio, 28-anyos, may kinakasama, laborer lahat naninirahan sa nasabing barangay.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Nakulimbat ng mga ito ang P2K kash at iba pang paninda mula sa sari-sari store.

Mahaharap ang tatlo sa kaukulang kaso.