15 talampakang buwaya, nahuli sa Bataraza

Sinusuri pa ng mga awtoridad ang isang Adult male salt water crocodile o buwaya na nahuli sa Barangay Sumbiling sa Bataraza, Palawan.

Ayon kay PCSD Spokesperson John Vincent “Jovic” B. Fabello ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), tinatayang labing-limang (15) talampakan ang haba nito at may pitumpong (70) sentimetro ang lapad.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Hinuli ang hayop bandang alas- otso kagabi, ika-11 ng Enero 2023 ng isang Johnny R. Balbada.

Ang buwaya ang sinasabing akma umanong umatake sa isang residente na sumasalok ng tubig sa ilog kaya ito hinuli.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Gayunman, wala umanong napinsala ang hayop na tao at maaari umanong naghanap lang ito ng makakain sa ilog.

Samantala, gagamutin muna ang sugat nito sa dibdib at posibleng dalhin sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center.