Ordinansa na magbibigay ng benepisyo sa mga solo parent inihain sa Sangguniang Bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Inihain sa Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines ang isang panukalang ordinansa para sa kapakanan ng solo parents.

Ito ay bilang suporta sa Republic Act No 8972 o ang Solo Parents Welfare Act of 2000.

Ayon sa ordinansa  marami pa rin ngayong solo parents ang hindi aware sa kanilang mga karapatan at pribelihiyo at hindi pa rin naipapatupad ang batas mula nang ito ay maipasa dahil sa kawalan ng matatag na institusyong titiyak na mipapatupad ang batas para sa kanila.

Kinakailangan din na ang mga programa at proyekto ng LGU ay mayroong back- up na ordinansa at ma- institutionalize ang mga programa, benepisyo, serbisyo at prebilihiyo na maaring maibigay ng LGU sa solo parents.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kabilang sa mga importanteng probisyon na nakapaloob sa panukalang ordinansa ay educational benefits kung saan mayroong scholarship program para sa kwalipikadong solo parents at mga anak nito sa basic, tertiary at technical skills education maging sa non- formal education program na angkop sa mga ito.

Nakapaloob din sa panukalang ordinansa na dapat bigyan ng allocation sa housing projects ang solo parents alinsunod sa probisyon ng housing law kung saan prioridad ang mga aplikante na kabilang sa below poverty line.

Dapat ding mag -develop ang LGU ng comprehensive healthcare program para sa solo parents at kanilang mga anak.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Pagdating naman sa cash subsidy ay sinasabing entitled sa halagang P1,000.00 na buwanang ayuda ang solo parent na kumikita ng minimum wage o mas mababa pa basta hindi ito recipient  ng anumang cash assistance o subsidiya mula sa alinmang programa ng gobyerno..

Pero kung senior citizen o person with disability ang solo parent ay maaari itong patuloy na tumanggap ng mga benepisyo para sa kanila na hindi mapo- forfeit ang mga benepisyong nakapaloob sa panukalng ordinansa.

Ang cash subsidy allocation ay maaaring manggaling sa Gender and Development (GAD) budget ng munisipyo.