Monitoring sa fireworks related injury kaugnay sa pagdiriwang ng pasko at pagsalubong sa bagong taon nagtapos na, bilang ng nadisgrasya sa paputok sa Camarines Norte hindi na nadagdagan

CAMARINES NORTE- Hindi na nadagdagan pa ang bilang ng mga nadisgrasya sa paputok sa lalawigan ng Camarines Norte kaugnay sa pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong sa bagong taon.

Batay sa final report ng Health Emergency Management Staff (HEMS) ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) na ipinalabas kaninang umaga, nanatili sa dalawa ang bilang ng fireworks related injury na dinala sa CNPH mula Disyembre 21 hanggang ngayong araw Enero 6.

Ang unang kaso ng fireworks related injury na dinala sa CNPH ay noong bisperas ng pasko, Disyembre 24

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Isang 13 anyos na binatilyo mula sa Barangay Gahonon dito sa Daet ang nagtamo ng first degree burn sa mukha nang dahil sa boga.

Sa kasagsagan naman ng pagsalubong sa bagong taon, ay isang 49 anyos na ginang mula sa Barangay San Roque, Mercedes ang tinamaan ng kwitis sa hita.

Agad din namang pinauwi sa kanilang tahanan ang mga pasyente matapos mabigyan ng anti tetanus, antibiotic at pain reliever.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Noong nakaraang taon, dalawa din ang nabiktima ng paputok sa lalawigan na parehong dahil sa kwitis..

Isang kaso naman ng fireworks related injury ang naitala noong 2020 at noong 2019 ay 14.

Pero kahit tapos na ang monitoring sa paputok magpapatuloy pa rin ang Tetanus case surveillance hanggang Enero 21.