Canoreco walang naitalang pinsala sa mga linya ng kuryente sa nagdaang dalawang araw nang dahil sa hindi maganda ang lagay ng panahon

CAMARINES NORTE- Walang naitalang pinsala sa mga linya ng kuryente ng Camarines Norte Electric Cooperative kaugnay sa naranasang sama ng panahon nitong nagdaang dalawang araw dahil sa shear line at Low Pressure Area.

Ayon kay General Manager Zandro Gestiada ang naitala lang nilang insidente ay ang nangyari sa Purok 1, Barangay San Isidro, Jose Panganiban.

Dahil kasi sa tuloy- tuloy na pag ulan kahapon ay gumuho ang lupa na kinatitirikan ng isang puno na tumama naman sa linya ng Canoreco.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Agad namang umaksyon ang mga lineman upang maisaayos ang linya at maibalik ang serbisyo ng kuryente sa mga napektuhang lugar.

Ani Gestiada,  na- isolate naman agad ang linya kaya kagyat ding naibalik ang kuryente.

Nag- ikot din ang mga lineman sa iba’t- ibang bahagi ng lalawigan upang masigurong maihatid ang serbisyo ng kuryente.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nakaranas naman ng biglaang pagkawala ng kuryente sa maraming lugar sa lalawigan kahapon dahil sa pag trip off ng National Grid Corporation of the Philippines Labo- Talisay 69 KV line dulot ng paghapay ng puno ng niyog sa nasabing linya sa Barangay Daguit, Labo.

Dahil ito sa paglambot ng lupang kinatitirikan ng puno bunsod ng malalakas na pag- ulan.