Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naging komprehensibo ang kanilang pag-uusap ni Chinese President Xi Jinping kaugnay sa bilateral relations ng dalawang bansa sa naging state visit ng Pangulo sa China nitong Jan. 3-5.

Nagkasundo sina Pangulong Marcos at President Xi na palalakasin pa ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at China.
Labing apat na goverment agreements na magpapalawig ng ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng Pilipinas at China ang nalagdaan sa state visit ni Marcos sa China.
Sakop nito ang sektor ng agrikultura, edukasyon, enerhiya, environment, imprastraktura, science and technology, trade, at people-to-people exchange.
Nagbunga sa mahigit USD 22.8 bilyong halaga ng foreign investment pledges ang iniuwe ng Pangulo sa bansa kahapon.//CA