Binata natagpuang patay sa Lagonoy , Camarines Sur

NAGA CITY – Palutang-lutang sa isang creek sa Lagonoy Camarines Sur nang madiskubre ng mga residente ang isang bangkay na nasa state of decomposition na.

Ayon sa ulat ng PNP-Lagonoy, kinilala ang biktima na si Jerry Claroniño, 22-anyos ng Barangay Camagong, San Jose Camarines Sur . Nadiskubre ang katawan nito, kahapon ng 2:35 ng hapon sa Malabog Creek San Rafael, Lagonoy.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kuwento ng ama ng biktima, Disyembre 31 ng nagdaang taon, huling nakitang buhay ang kanyang anak na namimingwit sa naturang lugar at matapos noon ay hindi na ito umuwi sa kanilang tahanan. Epileptic ang anak at posible aniyang inatake.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ipapasailalim naman sa Post-Mortem Examination ang bangkay upang malaman ang dahilan ng ikinamatay nito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Lagonoy PNP sa pangyayari.