Pipirmahan ni Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang tatlong kasunduan sa gobyerno ng China sa state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa tagapagsalita ng DFA na si Ma. Teresita Daza, inaasahang lalagdaan ang Memorandum of Understanding sa Belt and Road Initiative;Memorandum of Understanding on Communication Mechanism on Maritime Issues; at ang Joint Action Plan on Agricultural and Fisheries Cooperation sa ngalan ng Department of Agriculture.

Sa isang press briefing kamakailan, sinabi ni DFA Assistant Secretary for Asia and Pacific Affairs Neal Imperial na ang pag-renew ng kasunduan ng Pilipinas na sumali sa Belt and Road Initiative ng China pati na rin ang pagtatatag ng isang hotline upang tingnan ang mga concerns sa South China Sea ay inaasahang mabubuksan sa state visit ng Pangulo.
Ang pagtatayo ng nasabing hotline na mag-uugnay sa tanggapan ng mga foreign ministries ng dalawang bansa ay naglalayong maiwasan ang “miscalculation and miscommunication” sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.//CA