DOH, nakapagtala ng 174 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng 174 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health kahapon.

Ito ang ikatlong magkakasunod na araw na wala pang 500 kaso ng COVID-19 ang naitala.

Ayon sa DOH, bumaba ang active cases ng COVID-19 sa 12,362.

Ang COVID-19 tally ng bansa ay kasalukuyang nasa 4,200,225.

Ang National Capital Region ang may pinakamaraming kaso nitong nakaraang dalawang linggo, na may 2,906, sinundan ng Calabarzon na may 1,386, Central Luzon na may 664, Western Visayas na may 364, at Cagayan Valley na may 287.

Ang recovery tally ay tumaas sa 4,122,428 habang ang death toll ay tumaas sa 65,435 na may 20 bagong nasawi.//CA