Beijing, binatikos ang hindi katanggap-tanggap’ COVID rules sa mga travelers mula sa China

Kinondena ng China ang COVID-19 test requirements ng humigit-kumulang isang dosenang bansa sa mga pasaherong bumibiyahe sa ibang bansa mula sa teritoryo nito, na nagbabala na maaari itong magsagawa ng “countermeasures” bilang tugon rito.

Ang United States, Canada, France at Japan ay kabilang sa ilang mga bansa na ngayon ay nagre-require sa mga travelers mula sa China na magpakita ng negative COVID test dahil ang bansa ay nahaharap sa pagdami ng mga kaso ng COVID-19.

Noong huling bahagi ng Disyembre, sinabi ng Beijing na hindi na kakailanganing mag-quarantine ang mga papasok na travelers sa bansa na nagbunsod sa maraming Chinese na nagmamadaling magplano ng biyahe sa ibang bansa.

Ang China ay nagtala lamang ng 22 na pagkamatay sa COVID mula noong Disyembre.//CA