Arestado na ang suspek sa pamamaril- patay sa isang negosyante sa Barangay Alfonso XIII Quezon, Palawan na si LOU PILOSTRATOS CARDIÑO, 43 anyos nitong madaling araw ng Linggo, ika- 1 ng Enero 2023.
Kaninang umaga ay kinumpirma ng Palawan Provincial Police Office na bandang ala-una ay nahuli sa Joint Operation ng pulisya ang suspek na si Rowel B. Monserate sa Purok Masagana, Barangay Bunog, Rizal, Palawan.
Nakuha umano sa suspek ang 1) unit ARMSCOR caliber .38 revolver na may serial number at may apat na mga bala, isang (1) fired cartridge case, cash na Php2,150.00 at dalawang cellphone.
Nakatakda nang isailalim ang suspek sa Paraffin Test at Drug Test si Monserate habang ang baril nito ay isasailalim sa Ballistic Examination.