Mangingisda, tinaga-patay ng magsasaka sa Camarines  Sur nitong Bagong Taon

CAMARINES SUR-  Patay ang 62-anyos na mangingisda matapos na tagain ng magsasaka sa Lagonoy , Camarines Sur.

Sa ulat ng PNP nangyari ito bandang alas-7 ng gabi nitong Enero 1, 2023 sa Barangay Himanag. Ayon sa Lagonoy Municipal Police Station kinilala ang biktima na si Eduardo Delovino a.k.a Eddie y Layosa. Ang suspek naman ay si Pedro Israel y Rayoso, 32-anyos ng parehong Barangay.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Tumungo sa tahanan ng biktima ang suspek na si Israel at hinamon ang biktima, nauwi sa pananaga na na nagresulta sa pagkamatay ni Delovino.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Aon kay PMaj.  Romeo Ranara, hepe ng Lagonoy PNP tumakas ang suspek matapos ang pangyayari at patuloy nilang hinahanap. Hindi pa masiguro ng PNP kung ano ang ugat ng galit ng suspek.

Ayon naman sa imbestigador, handa ang pamilya ng suspek na makipag-ugnayan sa pulisya.