Grupo ng fruit vendors sa lungsod dismayado sa mahinang benta noong Bagong Taon; magandang puwesto panawagan

Dismayado ang grupo ng mga fruit vendor sa lungsod ng Sorsogon sa naging resulta ng bentahan ng kanilang mga paninda sa nakalipas na selebrasyon ng Bagong Taon.

Sa panayam ng Brigada News Sorsogon kay Ginoong Angelo, isang fruit vendor, sinabi nito na pinakadahilan ng kanilang matumal at mahinang benta ay ang ibinigay sa kanilang lokasyon.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Aniya, masyado na kasi itong malayo sa palengke at sa mga lugar na kadalasang pinupuntahan ng mga tao para mamili ng kanilang mga pangangailangan.

Kaugnay nito, nanawagan ang grupo sa mga kinauukulan na kung maaari sa susunod na taon ay bigyan sila ng puwesto na mas malaki ang tiyansa na sila ay makarami ng benta upang maging maayos naman ang kanilang kita lalo pa at ang kanilang mga paninda ay kanila lamang inutang.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sa huli, binanggit nito na upang kahit papaano ay makabawi ay wala silang pagpipilian kundi ang magbagsak presyo ng kanilang mga paninda.