Mahigit 100 na mga inbound at outbound passengers sa Naga Airport naapektuhan ng aberya sa air traffic system

NAGA CITY- 73 na mga pasehero mula sa Naga Airport sa Pili Camarines Sur patungo sa Maynila ang naapektuhan ng aberya sa air traffic system kahapon Enero 1, 2023.

37 na mga pasahero at isang infant ang inaasahan na dumating kahapon mula sa Maynila.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ngayong umaga Enero 2, kinumpirma sa Brigada News FM ni Naga Airport Officer in Charge Tedolfo Orbon Jr na may dumating nang isang eroplano ng Cebu Pacific sakay ang 27 inbound passengers at may umalis naman na sakay ang 76 pasaehro at isang infant.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Pero sinabi ni Orbon na cancelled na ang pangalawang flight, hindi niya patiyak kung gayundin sa ikatlong flight ngayong araw. Hindi rin nasabi kung parehong problema ang dahilan.