Pulis, arestado matapos manutok ng baril sa isang kasalan sa Daraga, Albay

Himas-rehas ngayon ang isang pulis dahil sa panunutok ng baril sa kasalan sa P-1, Brgy. Bañadero bayan ng Daraga, Albay.

Kinilala ang suspek na pulis na si PSSg. Aldin Regorgo, naka-asign sa Provincial Intelligence Unit ng Albay PPO.

Ayon sa report, bandang alas-2:30 ng hapon ay nagtungo sa Daraga MPS si Brgy. Kagawad Arnel Nidua at Randy Llorando Sevilla upang ireport ang nasabing insidente.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Agad na pinuntahan ng mga otoridad ang lugar upang tingnan ang kalagayan o sitwasyon na ginaganap na kasalan.

Nang maabutan ng pulisya, tila nasa ilalim ng impluwensya ng alak ang pulis sa okasyon ng kasal ng kanyang pinsan sa nabanggit na lugar at itinutok ang kanyang baril sa mga bisita.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Dahil dito, inaresto ang suspek at narekober sa kanya ang isang unit na Galil at isang unit na Canic 9mm pistol firearms at nakuha ang mga fired cartridge cases para sa caliber 9mm at caliber 5.56.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang pulis na suspek para sa kaukulang disposisyon.