Bilanggo na nakatakas, balik kulungan matapos na mahuli sa bayan ng Bulan, Sorsogon

SORSOGON CITY – Balik sa kanyang kulungan ang isang bilanggo matapos na mahuli ito sa kanyang pinagtataguan sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Matapos ang mahigit dalawang buwan na pagtatago sa Brgy Aguinaldo ng nasabing bayan, muling naaresto si Fernando Ducay Mercader, 55-anyos, may asawa, magsasaka, residente ng Brgy Macawayan sa bayan ng Irosin.

Read More:  School threat averted in Sultan Kudarat; student arrested in South Cotabato

Sa naantalang ulat, si Mercader umano ay nakatakas sa kanyang selda sa himpilan ng Irosin noong Marso 1 ng kasalukuyang taon.

Read More:  Two soldiers killed in Maguindanao del Norte ambush

Muling naaresto ito noong Mayo 26 sa nabanggit na bayan.

Ang akusado ay nahaharap sa 6 na bilang ng panggagahasa na may relasyon sa RA 7610 o Child Abuse.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso ni Mercader.