CAMARINES NORTE- Nanatiling mataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa lalawigan ng Camarines Norte hanggang ngayong huling linggo ng taon kung ikukumpara sa mga karatig na lalawigan.
Sa ngayon ay naglalaro sa P70. 45 hanggang P75. 95 ang presyo ng diesel sa lalawigan na mas mababa na rin kung tutuusin dahil umabot ito ng hanggang mahigit P80 noong Oktubre.
Naglalaro naman sa P68. 45 hanggang P71. 85 ang presyo ng gasolina.
Sa Shell Mancruz nasa P70. 45 ang presyo ng kanilang Fuel save diesel, P75. 95 sa V- power diesel, P70. 15 sa fuel save gasoline at P71. 85 sa V power gasoline.
Sa Seaoil, P70. 45 sa exceed diesel, P68. 45 sa Extreme U at P69.05 sa Extreme 95.
Sa Ptt, P69. 45 and kada litro ng kanilang blue diesel, P67. 95 sa Blue Gasoline 93+ at P68. 55 sa Blue Gasoline 95+.
Sa Phoenix petroleum P72. 65 ang kada litro ng diesel, P72. 95 sa super unleaded at P73. 95 sa Premium.
Sa katapat nitong Petron Pandan P70. 45 ang kada litro ng diesel, P69.95 sa xtra advance, P70. 95 sa XCS at P72. 45 sa turbo diesel.
