25 fireworks-related injuries , niatala ng DOH sa loob lamang ng isang lingo

Nakapagtala na ng dalawamput limang fireworks-related injuries ang Department of Health sa loob lamang ng isang linggo mula December 21 hanggang  December 27, 2022.

Ayon sa DOH, Ang mga kaso ay naitala mula sa 61 sentinel hospitals.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Ang kabuuang bilang ng injuries ay 14% na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong 2021 na mayroong naitalang 22 kaso.

Sa press briefing kahapon, tiniyak ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa publiko na ang lahat ng ospital sa bansa ay isang daang porsyentong handa para i-accomodate ang mga fireworks-related injuries na maitatala ngayong Bagong Taon.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Hinimok ng Health Department ang mga Pilipino na iwasan na ang paggamit ng fireworks at firecrackers  para magkaroon ng ligtas na selebrasyon ngayong bagong taon.//CA