Volcanic earthquake, naitala sa bulkang Mayon sa mismong araw ng kapaskuhan

Sa mismong araw ng kapaskuhan ay nakapagtala ang bulkang Mayon ng isang volcanic earthquake ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa datos, sa parehong araw, Disyembre 25, iniulat ng PHIVOLCS na hindi nakakitaan ng banaag o crater glow ang bulkan dahil natatakpan ito ng ulat.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Dahil natatakpan ng ulap, gayundin naman, hindi rin ito nakitaan ng pagsingaw, ngunit nagkaroon naman ito ng bahagyang pamamaga, ayon sa ahensya.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Patuloy naman ang pagpapaalala sa publiko na huwag lumapit o magpalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid nang sa gayon ay maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente.