Mahigit 100 pamilyang inilikas dahil sa pagbaha sa Quezon, nakauwi na- MDRRMO

Nakabalik na sa mga tahanan ang 137 pamilyang inilikas noong bisperas ng pasko dahil sa naranasang pagbaha sa mga barangay ng Quezon, Palawan.

Ayon kay MDRRM Officer Eden Cascara, ang mga inilikas noong ika- 22 ng Disyembre ay nakabalik na nitong Sabado matapos humupa ang tubig baha sa kanilang mga bahay.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Sinabi ni Cascara na binaha ang barangay Quinlogan at Panitian sa bahaging sur habang sa Norte ay nakaranas ng pagbaha sa Barangay Maasin, Isugod at Aramaywan sa norte noong nakalipas na Biyernes.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Gayunpaman, wala naman naitalang nawala o lubhang nasaktan sa pagbaha maliban sa maglo-lola na sinaklolohan noong Sabado sa Barangay Quinlogan matapos silang matangay ng rumaragasang tubig baha.