Pinalilinaw ng isang mambabatas mula sa minority bloc sa Kongreso, ang papel ng major pension funds sa gitna ng posibilidad na papayagan parin silang mag-invest sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).
Sa plenary debates, sinabi ni Manila 5th District Rep. Irwin Tieng, na siyang sponsor sa House Bill 6608, na ang inclusion ng Social Security System (SSS) at ng Government Service Insurance System (GSIS) sa panukalang MIF, ay magdedepende sa desisyon ng kani-kanilang board of directors.
Nabatid na bagama’t tinanggal na ang SSS at GSIS bilang sources ng seed capital para sa pondo, nakasaad parin umano sa latest version ng panukala, na ang ibang GFIs (government financial institutions) at government-owned and controlled corporations (GOCCs) ay maaring otorisado parin na mag-ambag sa MIF, subject sa kani-kanilang investment at risk management strategies.
Pero para kay Senior Deputy Minority leader Paul Daza, nais nito na malinaw na mahihiwalay ang pension funds sa MIF.
Pinuri naman ni Daza ang pagtanggal din sa national budget na una nang napasama sa bersyon ng panukala.
