DBM chief, ibinahaging ive-veto ni Marcos ang nasa 2-3 items sa 2023 GAB

Ibinahagi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na ive-veto umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawa hanggang tatlong items sa 2023 General Appropriations Bill (GAB), kasabay ng pag-gigiit sa realignment ng nasa P70 billion sa bicameral-approved national budget para sa susunod na taon.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ayon kay Pangandaman, nakatakdang lagdaan ng pangulo ang 2023 GAB sa December 16.

Kabilang sa mga prayuridad ng pondo ay ang para sa edukasyon, social assistance para sa mga senior citizens, at transportasyon, lalo na ang Edsa carousel.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Binigyang diin din nito na inaprubahan ng bicameral conference committee ang confidential at intelligence funds (CIFs), sa kabila na tinanggal ito sa bicameral committee. //MHEL PACIA