DA, sinuspende ang importation ng tuna, pompano, at iba pang isda para sa canning, hotels, resto

Sinuspende ng Department of Agriculture (DA) ang issuance ng clearance para sa pag-angkat ng ilang fish species para sa food processors o canners, maging sa institutional buyers gaya ng mga hotels at restaurants.

Sa kanilang Administrative Circular No. 11, series of 2022, sinuspende ng DA ang issuance ng import clearances sa pag-angkat ng frozen roundscad, bonito, mackerel, moonfish, pompano, at tuna para mapigilan umano ang diversion sa wet markets.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Sa pagsuspende sa issuance ng Sanitary Phytosanitary Import Clearances, nagtakda ang naturang ahensya ng karagdagang mga requirements para sa mga importers, para pahintulutan na maka-angkat ng naturang fish species.

Para sa canning purposes, sinabi ng DA na ang importation ng roundscad, bonito, mackerel, moonfish, pompano, at tuna ay dapat direktang gagawin ng mga importers at processors, na nagsusuplay ng raw materials sa mga processors na mayroong license to operate mula sa Philippine FDA na compliant sa Food Safety Standard, na mayroong verifiable recording system ng production.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Para naman umano sa institutional buyers, papayagan ang importation sa kondisyong may umiiral na verifiable recording system, na naglalaman ng pangalan ng importers, species at volume ng imported fish at corresponding dates ng deliveries. //MHEL PACIA