Angeles City Government, nagpadala ng tulong sa Cavite na naapektuhan ng Typhoon Paeng

Nagpadala na ng tulong ang Angeles City Government sa mga biktima ng bagyong Paeng sa Silang, Cavite.

Personal itong inihatid ng Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Read More:  Delayed bridge project leaves Cebu students, residents struggling

Matatandaang nagsimulang magsagawa ng donation drive ang city government noong November 2.

Maliban sa donasyon mula sa publiko, nagbigay rin ng personal na donasyon si City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, na 500 thousand pesos.

Read More:  Public school teacher arrested in Davao del Oro drug bust

Iba pa rito ang personal na financial donation na iniabot naman ng ilang empleyado ng City Government.