Insurance sa mga nasisirang motorized banca at gamit pangingisda, hanggang tatlong unit lamang – PCIC Sorsogon

Nilinaw ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) na hanggang tatlong unit lamang ang sakop ng insurance na ibinibigay ng gobyerno sa mga mangingisda at magsasaka na masisiraan ng mga ekipahe tuwing may kalamidad.

Sa panayam ng Brigada News kay Sorsogon Insurance Underwriter Jae Fuentes, sinabi nito na mahigpit na iniispeksyon ng Municipal Agricultures Office, Bureau of Fisheries ang Aquatic Resources ang mga ito bago maging kwalipikado at mabigyan ng bagong mga kagamitan.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Aminado naman ang opisyal na may katagalan ang pagrelease ng mga kapalit dahil na rin sa dami ng prosesong pinagdadaan  at bilang ng mga nag-aaplay ng insurance.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Gayunpaman, patuloy ang paghikayat ng ahensya sa lahat ng mga mangingisda at magsasaka na magparehistro sa LGU dahil ito umano ang pinakaunang hakbang upang makakuha ng insurance.