MMDA: Asahan ang mas mabigat na daloy ng trapiko sa NCR sa gitna ng ‘Christmas rush’

Asahan na umano ng publiko ang mas mahabang trapiko sa Metro Manila sa mga susunod na araw dahil sa holiday rush.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nasa 10% ang inaasahang congestion sa mga kalsada sa mga susunod na araw.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Sinabi ni MMDA spokesperson Melissa Carunungan, na ang kasalukuyang estimated speed sa 23.8-kilometer Epifanio delos Santos Avenue (Edsa) na siyang pinakaabalang main highway sa Metro Manila ay nasa 16 kilometers per hour (kph).

Ang naturang velocity count, ay mas mabilis kumpara sa pre-pandemic speed rate na 11 kph.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Ibinahagi naman n Carunungan, na as of November 24, ang bilang ng mga sasakyan na dumadaan sa Edsa araw-araw ay tinatayang 417,000, pero inaasahang tataas dahil sa holiday rush, dahilan para tanggalin ng MMDA ang obstructions sa Mabuhay Lanes.