Pagmomonitor sa mga noche buena products, mas pinaigting ng DTI Bicol

Mas pinaiigting ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol ang pagmomonitor ng mga produktong pang-noche buena kasunod ng pagpapalabas ng pinakabagong price guide.

Ayon kay Ruben Sombon ng nasabing tanggapan, patuloy silang bumibisita sa mga tindahan at establisyimento sa rehiyon upang imonitor ang mga presyo.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Layunin nitong matiyak ang mahigpit na pagpapatupad ang suggested retail prices (SRPs) sa mga tindahan o supermarket.

Aminado ang ahensya na tumaas nang husto ang presyo ng pasta, cream, spaghetti sauce, fruit cocktail, cheese at queso de bola dahil mataas ang presyo ng langis o gasolina na nakaapekto sa mga gastos sa manufacturing at iba pa.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Sinabi ng ahensya na ang mga produktong ito ay hindi nakakategorya bilang basic necessities at prime commodities (BNPCs) sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 75181 na inamyenda ng RA No. 10623.