Amores pumirma sa Zamboanga Valientes para sa nalalapit na stint sa ASEAN Basketball League

Naka-move on na ang kontrobersyal na manlalarong si John Amores sa ginawa niyang gulo sa collegiate scene nang pumirma siya sa Zamboanga Valientes para sa kanilang nalalapit na stint sa ASEAN Basketball League Invitational sa susunod na taon.

Inanunsyo ng koponan  ang pagpirma sa dating Jose Rizal University (JRU) cager, na nagsasabing karapat-dapat si Amores na bumalik sa hardcourt.

Read More:  Alex Eala eyes strong Wuhan Open comeback against China’s Han Shi

Naging headline si Amores nang lumusob siya sa bench ng College of St. Benilde (CSB) at suntukin ang ilan sa mga manlalaro nito noong November 8.

Sina Jimboy Pasturan at Taine Davis, dalawa sa mga manlalaro ng CSB na sinuntok ni Amores, ay nagsampa ng mga reklamong serious physical injury sa San Juan Prosecutor’s Office. Humingi ng paumanhin si Amores sa koponan.

Read More:  Capital1 outlasts Akari in five-set thriller; Bella Belen erupts for career-high 35 points

Si Amores ay may average na  siyam na puntos, 4.3 rebounds, at 1.2 assists sa 13 laro para sa JRU sa NCAA Season 98.//CA