NAGA CITY- Dumagsa ang mga deboto ng Immaculada Concepcion sa Immaculate Conception Parish sa Naga City kahapon, ang iba sa mga ito ay mula pa sa mga kalapit bayan sa Camarines Sur.
Ang pista tuwing Dec. 8 ay special non- working holiday sa buong bansa base ito sa Republic Act No 10966 na naisabatas noong 2017.
Sa Anticipated Mass hapon ng Dec. 7 na pinangunahan ni Archbishop of Caceres Most Rev. Rolando J. Tria Tirona, O.C.D.,D.D, sinabi nitong ang paggawa ng mabubuti , mga charitable deeds sa kapwa lalo na mga mahihirap ay sasalamin sa kahulugan ng pagdiriwang.
Sa kapistahan pinangunahan na naman nito ang misa sa iba pang simbahan sa lalawigan.
Sa mensahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon nakasaad na magbigay sa kapwa kahit na walang inaasahang kapalit.