Hindi inaalis ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease expert ang posibilidad ng pagdedeklara ng hand, foot and mouth disease (HFMD) outbreak sa buong bansa.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Dr. Solante na kapag nagpatuloy ang pagkalat nito sa iba pang mga rehiyon, mataas ang tyansa na magdeklara ng nationwide outbreak ng naturang sakit.
READ MORE:
Nabatid na unang nagkaroon ng HFMD outbreak kamakailan sa isang eskwelahan sa San Pascual, Batangas kung saan nasa mahigit 100 bata ang tinamaan ng sakit.
Nagkaroon na rin nito lamang Nobyembre ng outbreak sa Albay kung saan nasa mahigit 500 namang bata ang nagkaroon ng HFMD.
Sinabi ni Solante na hanggang sa kasalukuyan ay walang bakuna laban sa HFMD kung kaya’t para sa kanya, ang pinakamahalagang gawin lalo ng mga magulang ay panatilihing malinis ang kanilang mga anak.
#