Christmas lights na itinitinda sa business establishments, binabantayan na ng DTI Bicol

Nasa monitoring na rin ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol ang mga itinitindang mga Christmas decorations sa mga business establishment.

Ayon kay Ruben Sombon ng nasabing tanggapan, isa sa mga binabantayan  ngayong Disyembre ay mga Christmas lights.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Aniya, bago pa man ito ibenta o idisplay sa mga tindahan ay mayroon na rin itong ICC mark.

Bago pa man pumasok ang buwan ng Disyembre ay nagsimula na ang DTI na imonitor o bantayan ang lahat na Christmas lights na kung saan nagpalabas na ito ng listahan ng mga “certified” sa website ng Bureau of Philippine Standard o facebook ng DTI. Sinabi ng opisyal, wala pa naman silang nakukumpiska ngayong taon na kagamitan na dekorasyon sa mga tindahan.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending