Inihalintulad ni House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon (BH) Party-List Rep. Bernadette Herrera sa “chop suey” ang kontrobersiyal na Maharlika Wealth Fund (MWF) na isinusulong ngayon ng majority solons.
Sa isang pahayag, nanawagan si Herrera para sa clarification sa tinawag nitong “fundamental intent and function” ng panukalang Philippine sovereign wealth fund (SWF).
Paliwanag nito, na kadalasan mayroon umanong dalawang klase ng pondo, kung saan ang isa ay ang pag-manage sa surplus resources gaya ng foreign exchange o natural resource revenues, at ang pangalawa naman ay ang pag-manage sa state assets o ang pagpapatupad sa development projects.

Inihalimbawa ng mambabatas ang Singapore na may dalawa umanong SWFs, na kinabibilangan ng GIC para mag-manage at mag-invest ng kanilang foreign exchange, at ang Temasek para mag-operate ng assets ng kanilang gobyerno.
Pero sa panukala ng Pilipinas, ang SWF ay parang pinaghalo ang dalawang klaseng na tila naging “chop suey”, at hindi umano malinaw ang direksyon ukol sa layunin. //MHEL PACIA