2.24M Pilipino, walang trabaho – PSA

Bahagyang nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ngayong Oktubre.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority, aabot sa 4.5% ang unemployed Filipinos o katumbas ng 2.24 million na mga indibidwal.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Mas mababa ito sa 5.2% unemployment o katumbas ng 2.60 million unemployed FIlipinos nitong Hulyo.

Bumaba rin ang ‘joblesness rate’ ngayong Oktubre mula sa 2.50million nitong Setyembre.

Sa kabila niyan, tumaas naman ang ‘underemployment rate’ ‘o ‘yung mga nangangailangan ng mas maraming trabaho o working hours sa 14.2%, katumbas ng 6.67 million Filipinos.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Sa kabuoan, naitala ang employment rate sa 95.5% o katumbas ng 47.1 million working Filipinos, pero mas mababa ito ng 285,000 sa nagdaaang report.
#