AVC president, ipinaliwanag ang hindi pagdalo sa flag raising ceremony tuwing Lunes sa sangguniang panlalawigan

Humingi ng paumanhin ang AVC President na si Juan Miguel Ricardo Salceda sa kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan ng Albay sa hindi nito pagdalo sa flag raising ceremony tuwing Lunes.

Ayon sa kanya, hindi ito nakakapagdalo sa seremonya dahil mayroon itong dinadaluhang session regular sa bayan ng Polangui.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Aniya, sisikapin niyang makadalo basta’t walang magiging problema sa kanyang schedule o trabaho bilang konsehal at board member.

Samantala inanunsyo na rin nito sa publko na siya ay nanalo bilang Regional Chairman ng Philippine Councilors League dahil walang lumaban sa kanya.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sinabi rin ng opisyal na siya ay tatakbo bilang  Executive Vice President National Election Philipine Councilors League sa buwan ng  Marso 8, 2023. Magsisimula ang kanyang pangagampanyansa sa nasabing posisyon sa g Enero 2023.