Sapat na suplay na tubig ngayong kapaskuhan at bagong taon, tiniyak ng alkade ng Malilipot, Albay

Sinigurado ng lokal na pamahalaan ng Malilipot, Albay na mayroong gagamiting tubig ang mga apektadong barangay ng kakulangan ng supply nito.

Ayon kay Cenon Biñas Volante, alkalde ng nasabing bayan, mararanasan na ng mga residente, kabahayan at barangay ang masaganang supply ng tubig  ngayon kapaskuhan at bagong taon.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Pinasalamatan din nito ang mga nasa likod ng pipeline rehab para sa walang pagod na pagsisikap na nagresulta sa mas masaganang ng tubig lalo na sa mga barangay.

Dagdag pa nito, magsisimula ang pagtatayo ng bagong spring box sa Brgy. Calbayog sa unang quarter ng 2023 upang matiyak na mas maraming barangay ang magkakaroon ng sapat na suplay ng tubig.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sinabi pa ng alkalde, ang itatayong spring box sa nabanggit na barangay ay makakatulong upang matugunan din ang kakulangan ng supply sa karatig na barangay.