Bantay dagat, mangingisda at MDRRMo sa masinloc sumailalim sa lifeguard training seminar ng PCG

Sumailalim muli sa Lifeguard Qualification Training Seminar ang mga Bantay Dagat, MDRRMO personnel, life guard at mga mangingisda sa Masinloc, Zambales.

Ito ay para ma-refresh ang kakayanan at kaalaman ng mga tauhan  sa pagsasagip ng buhay.

Read More:  American, Filipina couple found dead inside Dumaguete home after shooting

Inumpisahan naman ang training seminar sa pangunguna ng Philippine Coast Guard ng December 5 na tatagal hanggang11.

Read More:  Five dead after van crashes into parked truck in Zamboanga del Sur

Ipinaalam naman ng lokal na pamahalaan na maaring makipag-ugnayan sa Masinloc Tourism Office para makahabol at mapabilang sa lifeguard trainees.//Russell Banawa-BNFM Iba

Photo: Kon. Hazel Lim