1D Representative ng Sorsogon, umaasa na mapabuti ang correctional system ng lalawigan

Ninanais ni Sorsogon Rep. Dette Escudero na pangalagaan din ang kapakanan ng mga taong pinagkaitan ng kalayaan sa Sorsogon.

Kamakailan ay nakipagpulong ang mambabatas kay Bureau of Jail Management and Penology Region V Director Jail/CSupt Joel Superficial at sa kanyang team para talakayin ang mga plano at program para mapabuti ang correctional system ng lalawigan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sinabi ng mambabatas na nais niyang magkaroon ng karagdagang pagsasanay sa mga bilanggo, katulad ng ipinatupad na porgrama noong nakipagtulungan siya sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon pa dito, ang pamahalaan ng Sorsogon ay nagsusumikap upang matiyak na ang mga pasilidad ng detensyon nito ay maaayos na pinamamahalaan upnag maitaguyod ng hustisya at ang tuntunin ng batas.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa pagtatapos ng pulong, idiniin ng mambabatas na ‘’hindi dapat pabayaan ang mga PDLs!’’