Parol sa mula sa Pampanga, pinailawan na sa New York

Pinailawan na ang dalawang naglalakihang parol na ipinadala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa New York City.

Pinangunahan ni Elmer Cato, Philippine Consul General sa New York, ang lighting ceremony sa Philippine Center sa lugar.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon kay Lubao Mayor Esmie Pineda, pinadala ng kapitolyo ang mga parol para maiparamdam sa mga Filipino sa New York ang diwa ng Paskong Pinoy.

Naniniwala naman si Cato na sa paraang ito, maipapakita sa mga Amerikano at iba pang napadadaan sa Philippine Center kung paano magdiwang ng Pasko ang mga Filipino.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Gawa ang mga parol ni Eric Quiwa, kaapu-apuhan ng pioneer giant lantern maker na si Francisco Estanislao.