Imee Marcos, ‘kinakabahan’ din sa ipinapanuklang Maharlika Investment Fund

Kinakabahan umano si Senador Imee Marcos sa panukalang Maharlika Investment Fund.

Sa isang panayam, sinabi ni Senador Marcos na bagama’t hindi pa niya nababasa ang naturang bill ay tila parang kinakabahan siya sapagkat sa panahon na daw ito, masama pa ang lagay ng ekonomiya pati ng World Bank.

Read More:  DSWD assures safety of rice in family food packs amid reports of unusual smell

Nabatid na pangunahing layunin ng Maharlika Investment Fund ay ang pagkakaroon ng sariling sovereign wealth fund ng Pilipinas at upang mapondohan ang iba’t ibang mga national development.

Ayon kay Marcos, ngayong napakalaki ng utang panlabas ng bansa, tila hindi napapanahon ang pagbibigay ng tinatawag na sovereign fund.

Read More:  Various groups to hold ‘Baha sa Luneta 3.0’ protest on September 21

Binigyang diin pa ng Senador na nakakatakot talaga ito kung kaya’t dapat pagisipang maigi kung handa ang Pilipinas para sa sariling sovereign fund.

Matatandaaang sa isang panayam, kinumpirma ni House Ways and Means Committee chairperson Joey Salceda na kay Pangulong Bongbong Marcos mismo nanggaling ang utos para magtatag ng sariling sovereign wealth fund ang bansa.
#