DA dapat tumutok din sa industriya ng niyog ayon sa ilang mang niniyog sa Camarines Sur

NAGA CITY- Dapat ring tutukan ng Department of Agriculture Central Office ang industriya ng niyog at hindi lamang ang palay.

Ito ang sinabi ng ilang mga magsasaka sa Camarines Sur.  Simula nitong nagdaang araw nakadisplay ang iba’t-ibang produktong gawa sa niyog sa isang malaking mall sa Naga bilang programa ng Department of Trade and Industry. Dinaluhan ito ng mag kooperatiba na gumagawa ng lubid, gamit sa bahay at iba pang iba na gawa sa niyog, gayundin ang mga gumagawa ng suka, asukal , VCO at marami pang iba.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon kay Terisita Robles ng Penitan  , Siruma Agriculture Cooperative pasalamat sila sa Philippine Coconut Authority (PSA) dahil may decorticating machine, papano naman aniya ang wala at copra ang pangunahing gawa.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Aminado si PCA Camarines Sur 1 Chief John Villareal na tila napabayaan ng gobyerno ang pagniniyog pero sa tulong ng naisabatas na Coco Levy Fund, paunti-unting naibibigay sa mga magniniyog ang mga benipisyo ngayon.

P26.10 farm gate price ng copra sa Camarines Sur I.