Twitter, sinuspinde ang account ni kanye dahil sa mga paglabag

Sinuspinde ng Twitter Inc. ang account ni Kanye West dalawang buwan pa lamang matapos maibalik ang account ng rapper.

Ang pagsuspinde ay dahil lumabag umano ang kaniyang mga tweets sa mga patakaran ng social media platform.

Read More:  Yeng Constantino regrets serenading former suitor Ryan Bang at her 20th Anniversary Concert

Tinanggap ni Twitter-owner Elon Musk ang pagbabalik ng rapper sa platform noong Oktubre, si West ay kilala ngayon bilang Ye.

Read More:  Gee Canlas breaks silence on alleged physical abuse by Archie Alemania

Sa kanyang pinakabagong tweet noong Huwebes, sinabi ni Musk na “sinubukan niya ang kaniyang makakaya pero sa kabila noon muling nilabag ni Ye ang panuntunan ng twitter laban sa pag-uudyok sa karahasan kaya sinuspinde nila ang account ng rapper.//CA